Isinagawa noong Setyembre 28, 2026 sa Casa VerβAmore, Bombon, Tabaco City ang Workshop for Developing Barangay Festivals, na naglalayong matulungan ang mga barangay na makabuo ng festivals na may malinaw na identity, maayos na konsepto, at mas matibay na connection sa kanilang komunidad.
Tinalakay sa workshop ang kahalagahan ng pagkilala sa sariling kwento, kultura, tradisyon, produkto, at karakter ng bawat barangay. Binigyang-diin din ang practical side ng festival planning tulad ng budgeting, logistics, safety, coordination, at sustainability.
Sa mensahe ni Mayor Reynaldo B. Bragais, hinikayat niya ang mga barangay na gamitin ang workshop para magpalitan ng ideas at experiences, at matutong iangkop sa Tabaco ang mga good practices mula sa ibang lugar.
Layunin na ang bawat barangay ay makabuo ng festival na may sariling identity at kayang pagandahin at ipagpatuloy taon-taon.
#TabacoCity #BarangayFestivals #CultureAndTourism #TabaqueΓ±o
Casa Ver Amore, Tabaco City
September 28, 2026


