← Back to Home

TABACO CITY, NAGHAHANDA NG LOCAL SUPPORT SYSTEM LABAN SA BULLYING

Isinusulong ng Sangguniang Panlungsod ang “Tabaco City Anti-Bullying Ordinance of 2026” para magkaroon ng mas malinaw na local support system para sa mga mag-aaral na nakararanas o apektado ng bullying.

Sa ilalim ng panukala, itatatag ang Tabaco City Local Anti-Bullying Framework na tututok sa prevention, intervention, referral, at support services, katuwang ang mga paaralan, magulang, barangay, City Government at iba pang stakeholders.

Kabilang sa framework ang awareness programs, parent and community participation, capacity building, referral services, at monitoring and evaluation. Magkakaroon din ng Local Referral Mechanism para maiugnay ang mga batang nangangailangan ng psychosocial, counseling, health, social welfare at iba pang angkop na serbisyo.

May probisyon din para sa confidentiality at data privacy sa paghawak ng impormasyon ng mga batang sangkot sa bullying incidents.

Para sa initial implementation, hindi bababa sa ₱1 milyon ang inilaan mula sa FY 2027 budget ng CSWDO, alinsunod sa umiiral na budgeting, accounting at auditing rules.

Proponent: Hon. City Councilor Arnold “Yob” Onrubia, Chairperson, Committee on Education.

#TabacoCity #AntiBullying #LearnerProtection #SangguniangPanlungsodofTabaco

Author: Mark Giebert Boncolmo

View all posts by Mark Giebert Boncolmo >

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *