← Back to Home

“Where Evidence Leads, Development Follows.”

Ipinagmamalaki kong ibahagi na ang Tabaco City Project Monitoring Committee ay pinarangalan bilang 1st Place – Outstanding Local Project Monitoring Committee (CY 2025) ng Bicol Regional Development Council.

Ang pagkilalang ito ay nagpapatunay na epektibo, transparent, at accountable ang ating pagpapatupad ng mga proyekto sa lungsod. Ito ay para sa inyo, mga Tabaqueño!

Maraming salamat sa ating katuwang sa tagumpay na ito:

• Hon. Rogelio Burce III (Liga ng mga Barangay President)

• Engr. Myla Broncano (CPDO Coordinator)

• Ms. Ivy B. Leonardo (LGOO VI – DILG)

• Arch. Mariecar Manzano (CPDO Consultant)

Makakaasa kayo na patuloy nating babantayan at titiyakin ang kalidad ng bawat proyekto para sa kinabukasan ng ating lungsod. Tuloy-tuloy ang pag-asenso! 💙

📍RDC Hall, DEPDev Region 5, Legaspi City

📆September 29, 2026

#MayorReyBragais #SerbisyoAsinProgreso #TabacoRising #TabacoCity #TabacoAlbay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *