Isinusulong sa Tabaco City ang pagtatatag ng After-Care and Reintegration Services Program para sa mga Persons Restored to Liberty mula sa Tabaco City District Jail.
Layunin ng panukalang ordinansa na magkaroon ng mas maayos na referral at case management system para sa mga nakalaya, kabilang ang suporta sa dokumentasyon, kabuhayan, edukasyon, kalusugan, family reunification, at iba pang kinakailangang serbisyo para sa kanilang pagbabalik sa komunidad.
Ang panukala ay inihain ni Hon. Arnold C. Onrubia.
#TabacoCity #AfterCareAndReintegratio #Reintegration
Sangguniang Panlungsod of Tabaco
September 30, 2026


