Isinagawa ang public hearing para sa panukalang ordinansa na naglalayong institutionalize ang pagsasama ng essential maintenance medicines at basic medical supplies sa Annual Procurement Plans at budgets ng mga barangay sa City of Tabaco.
Layunin ng panukala na magkaroon ng pondo para sa mga pangunahing gamot at medical supplies na maaaring ipagkaloob sa mga indigent at disadvantaged residents ng mga barangay.
Ang panukalang ordinansa ay inihain ni Hon. Preciocisima Tanggo. Sa public hearing, binigyang-daan ang mga stakeholder at iba pang concerned parties na magbigay ng kanilang mga komento, suhestiyon, at iba pang inputs sa panukala.
#TabacoCity #PublicHearing #Kalusugan #TabacoPIO
Barangay Hall Cobo, Tabaco City
Octorber 02, 2026


