Bilang bahagi ng DILG-OGP Flagship Program ng Tabaco City, isinagawa noong Oktubre 14, 2026, ganap na alas-1 ng hapon, ang public consultation para sa Solid Waste Management Program ng lungsod.
Pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang programa, sa pakikipagtulungan ng City Planning and Development Office (CPDO) at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Layunin ng konsultasyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga stakeholder na makibahagi sa pagpaplano at mga hakbang para sa mas maayos na pamamahala ng basura sa Tabaco City.
5th Floor Multi Function Hall, Tabaco City Hall
October 14, 2026


