Personal na tinanggap ni Mayor Reynaldo B. Bragais, kasama si City Local Government Operations Officer (CLGOO) Ivy Leonardo, JD, ang mga pagkilalang iginawad sa City Government of Tabaco sa ginanap na Aldaw nin Honra ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Regional Office V noong Oktubre 22, 2026, sa Pepperland Hotel, Legazpi City.
Nakatanggap ang lungsod ng tatlong major awards na kumikilala sa iba’t ibang aspeto ng local governance, community resilience, at inclusive development.
MAJOR AWARDS
1. Outstanding LGU in Upholding Excellence in Local Governance
2. Outstanding LGU in Reinforcing Resilient Communities
3. Outstanding LGU in Enabling Inclusive Communities
Bukod sa mga major awards, kinilala rin ang Tabaco City sa local development planning, child-friendly governance, ease of doing business, at mga mekanismo para sa proteksyon ng kababaihan at mga bata.
MINOR AWARDS
1. Exemplary LGU in Local Development Planning\
• Exemplary LGU in Local Development Planning – Mandated Plans\
• Exemplary LGU in Local Development Planning – Thematic DRR Plans
2. Exemplary LGU in Child-Friendly Governance
3. Exemplary LGU in Ease of Doing Business (EODB)
4. Exemplary LGU in Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) Assessment
5. Exemplary LGU in Local Council for the Protection of Children (LCPC) Assessment
May natanggap ding special award ang Barangay Tagas Lupon Tagapamayapa bilang pagkilala sa kanilang papel sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagresolba ng mga alitan sa komunidad.
SPECIAL AWARD
Exemplary LGU cum Outstanding Lupon Tagapamayapa Regional Awardee – Barangay Tagas Lupon Tagapamayapa, Regional Winner for Cities and National Qualifier
Saklaw ng mga pagkilalang ito ang mahahalagang bahagi ng pamamahala ng lungsod, mula sa development planning at disaster risk reduction hanggang sa business facilitation, child protection, at pagpapanatili ng kapayapaan sa mga barangay. Bawat award ay tumutukoy sa isang partikular na aspeto ng local governance at sa mga prosesong mahalaga sa paghahatid ng serbisyo publiko sa mga Tabaqueño.


![[𝗣𝗔𝗥𝗧 𝟮/𝟮]](https://tabacocity.com.ph/wp-content/uploads/2026/10/864787669_122130876435312789_5308872455530060177_n-300x225.jpg)