← Back to Home

π—’π—–π—§π—’π—•π—˜π—₯ 𝟯𝟬 π—œπ—¦ π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ 𝗖𝗛𝗔π—₯π—œπ—§π—¬ 𝗗𝗔𝗬!

Bukas, October 30, ay pagdiriwang ng National Charity Day, alinsunod sa Proclamation No. 598, s. 2024, na nagtatakda sa petsang ito bilang taunang araw ng pagkakawanggawa sa bansa, sa pangunguna ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa temang β€œCHARITY FOR ALL: HEAL, HELP, HOPE,” hinihikayat ang bawat isa na magbahagi ng tulong, malasakit, at pag-asa sa kapwa. Hindi kailangang malaki ang ating maibigay. Sa simpleng pagtulong at kusang pagbibigay, maaari tayong makatulong sa mga nangangailangan at makapaghatid ng pag-asa sa ating komunidad.

Sama-sama nating isabuhay ang diwa ng pagkakawanggawa. Sa bawat kabutihang ating ibinabahagi, mas pinatitibay natin ang isang komunidad na may malasakit at handang umalalay sa kapwa.

#NationalCharityDay2026 #CharityForAll #HealHelpHope

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *