Tumanggap ang Pamahalaang Lungsod ng Tabaco ng Plaque of Recognition mula sa Commission on Population and Development (CPD) Region V bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon nito sa pagsusulong ng mga layunin ng Regional Population and Development Plan of Action.
Kinikilala sa parangal ang matibay na partnership at collaboration ng lungsod sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatiba para sa population and development sa lokalidad.
Iginawad ang pagkilala ngayong November 19, 2026 sa Legazpi City, Albay. Patunay ito ng patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya at lokal na pamahalaan upang maisulong ang people-centered development.
#TabacoCity #PopulationAndDevelopment #CPDRegionV #PeopleCenteredDevelopment


