Nagsagawa ng courtesy visit si Mayor Reynaldo B. Bragais kay Police Brigadier General Nestor Cruzata Babagay Jr., Regional Director ng Police Regional Office 10 (PRO-10), sa tanggapan nito ngayong araw.
Si PBGen. Babagay ay tubong Iriga City, Camarines Sur, at dating Regional Director ng Police Regional Office 5 (PRO-5), kung saan pinamunuan niya ang kapulisan sa Bicol Region bago italaga sa Northern Mindanao.
Naging pagkakataon ang pagbisita upang muling pagtibayin ang ugnayan at pagpapahalaga sa pagtutulungan ng mga lingkod-bayan, partikular sa pagtataguyod ng kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan.


