Bumisita si Mayor Reynaldo B. Bragais sa Sa’od Albay Trade Fair 2026 na ginaganap mula Nobyembre 18–22, 2026 sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City, upang kamustahin at personal na suportahan ang tatlong (3) MSMEs mula sa Tabaco City na kabilang sa 40 exhibitors mula sa buong Albay.
Tampok sa limang araw na trade fair ang iba’t ibang produktong likha ng mga Albayano, kabilang ang wearables and homestyle, processed food, ceramics and pottery, creative products, at coconut-based products. Layunin nitong mabigyan ng mas malawak na merkado ang mga lokal na negosyante at makabuo ng mga bagong oportunidad para sa kanilang mga negosyo.
Sa pagbisita, nakasama ni Mayor Rey sina City Legal Officer Atty. William Balayo, CPA, CDRRMO Head Gelacio Molato, JD, at Consultant Ruben Gerard Fortuno III.
Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Tabaco sa mga lokal na MSMEs sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa kanilang mga produkto, pagpapalawak ng market opportunities, at pagsusulong ng mga negosyong nagbibigay-buhay sa lokal na ekonomiya.


