← Back to Home

𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍𝐀𝐘𝐀𝐍: 𝐒𝐊𝐈𝐋𝐋𝐒 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐑𝐄𝐓𝐔𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅𝐖𝐒

Isinagawa ang orientation para sa mga returning OFW beneficiaries ng TUPAD Kasanayan sa Tabaco City, sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Local Government Unit of Tabaco City, at Public Employment Service Office (PESO).

Sa ilalim ng programa, sasailalim ang mga benepisyaryo sa 40-araw na skills training sa dressmaking, habang tumatanggap ng temporary livelihood support at daily wages.

Layunin ng training na mabigyan ang mga returning OFWs ng dagdag na kasanayan na maaari nilang magamit sa paghahanap ng trabaho o pagsisimula ng pagkakakitaan pagbalik sa kanilang komunidad.

Sa orientation, ipinaliwanag din ang mga tungkulin at responsibilidad ng mga benepisyaryo, mga alituntunin sa training, at mahahalagang safety reminders para sa kanilang kaligtasan at kapakanan.

#PESOTabaco #LGUTabaco #TUPADKasanayan #DOLE #TabacoCity

📍 2nd Floor Conference Hall, Tabaco City Hall

🗓️ October 01, 2026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *