Ngayong araw, alas-5 ng hapon, nagsagawa ng coordination meeting sina Mayor Reynaldo B. Bragais, TAWAD, General Services Office (GSO), CDRRMO, at Tabaco Chinese Filipino Volunteer Fire Brigade Inc. para pag-usapan ang bagong water rationing schedule sa City of Tabaco.
Layunin nito na mapalawak at mapalakas ang water supply distribution sa mga lugar na nangangailangan ng tubig.
Abangan ang bagong schedule ng water rationing na ilalabas ng LGU Tabaco at TAWAD.
2nd Floor Conference Hall, Tabaco City Hall
October 06, 2026


