May oportunidad para sa mga padyak operator sa Tabaco City na makasali sa Skills Training Program on Solar Light Installation, Maintenance Services & Traffic Safety ng TESDA-LGU Tabaco Livelihood and Skills Training Center, sa pakikipag-ugnayan ng PESO.
May 46 slots lamang para sa dalawang batch, na may tig-23 participants bawat batch.
SCHEDULE NG TRAINING
Batch 1: October 24, 25, at 31, 2026
Batch 2: November 8, 14, at 15, 2026
SINO ANG QUALIFIED?
Dapat matugunan ng aplikante ang LAHAT ng sumusunod:
Padyak operator
May sariling padyak
Siya mismo ang nagmamaneho at bumabyahe gamit ang kanyang padyak
May sariling garahe para sa padyak
Residente ng Tabaco City, na may Certificate of Residency mula sa barangay
PAALALA: Isang padyak lamang ang maaaring i-enroll ng bawat operator. Kahit may higit sa isang padyak, isa lamang ang maaaring isama sa programa.
SCREENING NG MGA INTERESADO
October 12–15, 2026
8:00 AM–5:00 PM
Public Information Office (PIO), Annex Building, Tabaco City Hall, City of Tabaco
Ang PIO ang magsasagawa ng initial screening ng mga interesadong aplikante. Pagkatapos ng screening, ituturn over ang mga aplikante sa PESO para sa verification at karagdagang processing.
Dahil limitado ang slots, siguraduhing kwalipikado at kumpleto ang requirements bago magpa-screening.


