Kumakalat ngayon ang mga post tungkol sa posibleng Super Typhoon na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na linggo. Pero mahalagang tingnan ang buong konteksto at huwag agad mag-panic.
Ayon sa impormasyong ibinahagi, posibleng lumakas ang Bagyong Champi, ngunit mababa pa ang nakikitang tiyansa ng direktang landfall sa Pilipinas. Posible pa ring maapektuhan ang Extreme Northern Luzon at magdala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Dahil malayo pa ang inaasahang panahon ng paglapit ng bagyo, maaari pang magbago ang lakas at direksiyon nito. Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng PAGASA at CDRRMO para sa tama at napapanahong impormasyon.
Maging alerto, maging handa, at iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon.
#CDRRMO #BagyongChampi #TabacoCity #LagingHanda


