Tinalakay sa joint hearing ng Committee on Laws and Ordinances at Committee on Barangay Affairs ang panukalang ordinansa ni City Councilor Lourdes Belangel Berces para sa pagtatatag ng Tabaco City Barangay Legislative Excellence Awards.
Layunin ng panukala na gawing taunang programa ang paghahanap at pagkilala sa mga natatanging Sangguniang Barangay sa Tabaco City. Kabilang sa mga itinatakda nito ang pamantayan sa pagpili, mga mekanismo ng pagpapatupad, at paglalaan ng pondo para sa programa.
#TabacoCity #BarangayAffairs #LegislativeExcellence #PublicHearing
Sangguniang Panlungsod of Tabaco City
October 19, 2026


