Sumailalim sa validation noong October 22 ang Lungsod ng Tabaco para sa Search for Cleanest and Greenest LGU, Outstanding Agriculturist, at Best Agriculture Office.
Pinangunahan ng City Agriculture Office ang paghahanda para sa aktibidad, katuwang ang City Veterinary Office, City Nutrition Office, CENRO, at iba pang tanggapan ng lokal na pamahalaan.
Bahagi ng validation ang pagsusuri sa mga programa at dokumentong may kaugnayan sa agrikultura, pangangalaga sa kapaligiran, at serbisyong ipinagkakaloob sa mga magsasaka at mangingisda.
Layunin ng gawaing ito na matukoy ang mga magagandang gawi at mga dapat pang pagbutihin sa pagpapatupad ng mga programa ng lungsod.
Conference Room, Hiraya Manawari Compound, San Vicente, Tabaco City
October 22, 2026


