Personal na nag-ikot si Mayor Reynaldo Bragais sa fruit section ng City Market upang inspeksyunin ang kalagayan ng pamilihan at kumustahin ang ating mga fruit vendors.
Sa kanyang pagbisita, nakipagkuwentuhan ang alkalde sa mga nagtitinda at inalam ang kanilang kalagayan, mga karanasan, at mga pangangailangan sa araw-araw na pagtitinda.
Bahagi ito ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Lungsod sa mga vendors at iba pang sektor upang mas mapakinggan ang kanilang mga hinaing at matukoy ang mga dapat bigyang-pansin sa pamilihan.


