← Back to Home

𝗦𝗔𝗠𝗔-𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗕𝗜𝗞𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗦 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛𝗬 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗕𝗔𝗖𝗢!

Maagang nagsama-sama ang mga bikers at cycling enthusiasts sa Tabaco City para sa SABAY SA-BIKE TAYO bilang paggunita sa National Bike to Work Day, mula San Vicente New Road hanggang La Vill Hall, Bicol University Tabaco Campus, ngayong alas-6 ng umaga.

Sa kanyang welcome message, binigyang-diin ni City Administrator Amy Ilagan ang patuloy na suporta ng LGU Tabaco sa cycling at development ng bike-friendly infrastructure. Noong 2025, nag-download ang Department of Health ng ₱2 million para sa construction at development ng bike lanes at bike racks sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. Patuloy na napapakinabangan ang mga pasilidad na ito ng mga cyclists, partikular sa New Road at sa seawall areas ng San Roque at Fatima.

Patuloy nating isinusulong ang pagbibisikleta bilang isang healthy, practical, at environment-friendly na paraan ng pagbiyahe.

🗓️ November 20, 2026

#NationalBikeToWorkDay #SabaySaBikeTayo #BikeFriendlyTabaco #HealthyCommunity

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *