Isinagawa noong October 1, 2026 ang consultative meeting sa Tabaco Public Market Office kaugnay ng operasyon ng Night Market.
Pinangunahan ang pagpupulong nina Sangguniang Panlungsod Committee Chairman Roy Bon at Trade and Industry Committee Chairman Ram Dyangko para talakayin ang mga usapin at concerns na may kaugnayan sa operasyon ng Night Market.
Layunin ng konsultasyon na mapakinggan ang mga concern at suhestiyon ng mga stakeholders at makapag-usap tungkol sa mga hakbang para sa maayos na operasyon ng Night Market.
Patuloy ang koordinasyon ng mga kinauukulang tanggapan para sa maayos at organisadong pagpapatupad ng mga susunod na hakbang.
#TabacoCity #TabacoNightMarket #PublicMarket #SP
Tabaco City Public Market
October 01, 2026


