← Back to Home

𝟏𝟎-𝐤𝐢𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐠𝐚𝐬, 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐦𝐢𝐦𝐢𝐠𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐡𝐢𝐠𝐢𝐭 𝟗,𝟎𝟎𝟎 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐓𝐚𝐛𝐚𝐜𝐨 𝐂𝐢𝐭𝐲. 𝗦𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟱, 𝗛𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲.

Nagsimula nang mamahagi ng sampung (10) kilong bigas ang Lokal na Pamahalaan ng Tabaco sa ilalim ng Local Government Support Fund – Financial Assistance to Local Government Units ng pamahalaang nasyonal ngayong Lunes, Oktubre 5 – 9, 2026.

Layunin ng nasabing programa na mabigyan ng ayuda ang kabuuang 9,166 na kwalipikadong sambahayan sa iba’t ibang barangay sa buong lungsod.

Ang opisyal na listahan ng mga benipisyaryo ay ibinatay sa pinakabagong Community-Based Monitoring System ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), kung saan tinukoy ang mga pamilyang nabibilang sa poverty threshold.

Magpapatuloy ang serye ng pamamahagi sa mga susunod na araw hanggang Biyernes, Oktubre 9, upang maabot ang lahat ng natitirang barangay sa mga mainland, upland, at coastal areas ng lungsod.

Sa pamamagitan ng mga nakatakdang schedule sa iba’t ibang designated sites at venue, tinitiyak ng CSWDO at ng mga opisyal ng barangay ang maayos at mabilis na pagkuha ng ayuda ng mga benipisyaryo.

​Sa kabuoan, ang inisyatibong ito ay isang malaking tulong upang maibsan ang pang-araw-araw na gastusin sa pagkain ng mga pamilyang Tabaqueño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *