Nakakaranas ba kayo ng mabagal o intermittent na internet connection? Isa sa mga naiulat na dahilan nito ang pagkaka-cut ng submarine cable na nagkokonekta sa Singapore at Pilipinas.
Apektado nito ang ilang international internet traffic, kaya maaaring makaranas ang ilang users ng mabagal na browsing, mataas na latency, o intermittent connection sa ilang online services.
Patuloy na mino-monitor ng mga telecommunications providers ang sitwasyon at isinasagawa ang mga kinakailangang network rerouting upang mapanatili ang connectivity.
#NewsUpdate #InternetAdvisory #TabacoCity #PublicInformation


