Tinalakay sa pagdinig ng Sangguniang Panlungsod ang mga panukalang may kinalaman sa pagpapaunlad ng turismo at pagdiriwang sa City of Tabaco.
Kabilang dito ang modernization ng City Tourism Development Plan, na requested na talakayin ni City Mayor Reynaldo B. Bragais sa pamamagitan ng Committee on Tourism, Culture, and Arts, sa pangunguna ni Committee Chairman Hon. Ram Dyangko.
Tinalakay rin ang panukalang ordinansa na nag-aamyenda sa Barangay Ordinance No. 01, Series of 2024, na nagdedeklara sa October 26 hanggang November 4 ng bawat taon bilang Tagati Festival sa Barangay San Carlos. Ang panukala ay inakda ni Hon. Maria Lourdes Orbita, kasama si Rochielda Saba bilang co-proponent.
#TabacoCity#TourismDevelopment#TagatiFestival#SangguniangPanlungsod
Sangguniang Panlungsod of Tabaco
October 09, 2026


