← Back to Home

𝗦𝗞𝗜𝗟𝗟𝗦 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗗𝗬𝗔𝗞 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦, 𝗟𝗜𝗠𝗜𝗧𝗘𝗗 𝗦𝗟𝗢𝗧𝗦 𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚!

May oportunidad para sa mga padyak operator sa Tabaco City na makasali sa Skills Training Program on Solar Light Installation, Maintenance Services & Traffic Safety ng TESDA-LGU Tabaco Livelihood and Skills Training Center, sa pakikipag-ugnayan ng PESO.

May 46 slots lamang para sa dalawang batch, na may tig-23 participants bawat batch.

📅 SCHEDULE NG TRAINING

Batch 1: October 24, 25, at 31, 2026

Batch 2: November 8, 14, at 15, 2026

📌 SINO ANG QUALIFIED?

Dapat matugunan ng aplikante ang LAHAT ng sumusunod:

✅ Padyak operator

✅ May sariling padyak

✅ Siya mismo ang nagmamaneho at bumabyahe gamit ang kanyang padyak

✅ May sariling garahe para sa padyak

✅ Residente ng Tabaco City, na may Certificate of Residency mula sa barangay

PAALALA: Isang padyak lamang ang maaaring i-enroll ng bawat operator. Kahit may higit sa isang padyak, isa lamang ang maaaring isama sa programa.

📝 SCREENING NG MGA INTERESADO

📅 October 12–15, 2026

🕗 8:00 AM–5:00 PM

📍 Public Information Office (PIO), Annex Building, Tabaco City Hall, City of Tabaco

Ang PIO ang magsasagawa ng initial screening ng mga interesadong aplikante. Pagkatapos ng screening, ituturn over ang mga aplikante sa PESO para sa verification at karagdagang processing.

Dahil limitado ang slots, siguraduhing kwalipikado at kumpleto ang requirements bago magpa-screening.

#TabacoCity #PESO #SkillsTraining #PadyakDrivers #TESDA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *