Isinagawa ng Local Civil Registrar (LCR) ang mobile registration service sa Barangay Sagurong, Tabaco City para mas mapalapit sa mga residente ang mga serbisyo ng tanggapan.
Kabilang sa mga serbisyong inilapit ang Batch Request Inquiry System at delayed registration sa ilalim ng Birth Registration Assistance Project.
Patuloy ang LCR sa pagdadala ng civil registration services mas malapit sa mga Tabaqueño, kabilang ang mga residente sa mga island barangay.
#TabacoCity #LCR #MobileRegistration #BirthRegistration
Barangay Sagurong, Tabaco City
October 16, 2026


