← Back to Home

𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗔𝗠𝗣𝗜 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗛𝗘𝗥𝗡 𝗟𝗨𝗭𝗢𝗡

Ayon sa PAGASA Tropical Cyclone Advisory No. 4 ngayong Oktubre 19, alas-11 ng umaga, posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ang Typhoon CHAMPI. Kapag nakapasok na sa PAR, papangalanan itong ROSAL.

Posibleng magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal sa hilagang at silangang bahagi ng Northern Luzon simula ngayong gabi o bukas ng umaga. Sa kasalukuyang forecast scenario, Signal No. 3 o 4 ang pinakamataas na posibleng maitaas sa mga apektadong lugar.

Patuloy na mag-monitor sa mga opisyal na abiso ng PAGASA para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa galaw at lakas ng bagyo. Maghanda at sumunod sa mga paalala ng mga lokal na awtoridad.

#BagyongChampi #BagyongRosal #PAGASA #CDRRMC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *