Nagsagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol ng one-day Technical and Advisory Services (TAS) para sa mga micro establishment ngayong October 22 sa 5th Floor Multipurpose Hall, Tabaco City Hall.
Tinalakay sa aktibidad ang pagsunod sa labor standards, kabilang ang tamang pasahod at mga benepisyong kaugnay nito, occupational safety and health standards, productivity, at iba pang programa ng DOLE. Nagbigay rin ng gabay sa paghahanda ng action plan para sa mga establisimyentong may kailangang ayusin sa kanilang compliance.
Kasama rin sa aktibidad ang First Aid Orientation at Safety Orientation bilang bahagi ng mga kinakailangan para sa micro establishments alinsunod sa DOLE Department Order No. 252, Series of 2025. Ang nasabing kits ay gayunding binigay sa mga participants.
Layunin ng programa na matulungan ang mga micro establishment na mas maunawaan ang kanilang mga obligasyon sa paggawa at mapanatili ang ligtas na lugar ng trabaho para sa kanilang mga empleyado.
5th Floor Multi Function Hall, Tabaco City Hall
October 22, 2026


