Nakipagtulungan ang City Health Office sa LGU IT Office para sa pagbuo ng isang queuing system na magbibigay ng mas organisado at sistematikong paraan ng pamamahala sa daloy ng mga pasyente.
Sa pamamagitan ng sistema, mas malinaw ang pila at mas nababawasan ang kalituhan kung sino ang susunod na pagsisilbihan. Maaari ring ma-prioritize ang mga pasyente batay sa kanilang health needs at urgency, sa halip na sa pagkakasunod-sunod lamang ng pagdating.
Makakatulong din ito upang mabawasan ang manual na pagtawag ng mga numero ng healthcare staff at magkaroon ng mas maayos na karanasan ang mga pasyente habang naghihintay para sa kanilang konsultasyon.
Patuloy na pinapahusay ng City Health Office at LGU IT Office ang mga proseso upang maging mas maayos, malinaw, at episyente ang serbisyo para sa mga Tabaqueño.
#TabacoCity #CityHealthOffice #QueuingSystem #Digitalization #TabacoPIO #ICTOffice


