Bilang tugon sa mga kumakalat na alegasyon tungkol sa rice distribution, kabilang ang umanoβy pagkakaroon ng bukbok sa bigas at hindi pag-abot sa 10 kilo ng bawat sako, naglabas ang LGU Tabaco ng aktuwal na photos ng rice samples at pagtitimbang ng rice sacks.
Makikita sa mga larawan ang aktuwal na bigas at ang sako habang tinitimbang upang malinaw na maipakita sa publiko ang kondisyon at timbang ng ipinamamahaging bigas.
Patuloy na magbibigay ng malinaw at factual na impormasyon ang LGU Tabaco upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon at matiyak na may sapat na impormasyon ang ating mga benepisyaryo at publiko.
#AntiFakeNews #RiceDistribution #LGUTabaco #TamangImpormasyon


