Tinalakay ng Sangguniang Panlungsod Committee on Health ang proposed Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng LGU Tabaco at Medical Mission Group (MMG) para sa pagkakaloob ng diagnostic at laboratory examinations at tests para sa mga Children in Conflict with the Law (CICLs) na nasa Tabaco City Youth Home sa ilalim ng CSWDO.
Layunin ng MOU na matugunan ang pangangailangang medikal at diagnostic services ng mga kabataang nasa pangangalaga ng Tabaco City Youth Home, bilang bahagi ng kanilang maayos na pag-aalaga at intervention.
#LGUTabaco #SangguniangPanlungsod #CommitteeOnHealth #CSWDO #TabacoCity
Sangguniang Panlungsod of Tabaco
October 05, 2026


