Isinagawa ngayong araw ang Committee Hearing ng Sangguniang Panlungsod ng Tabaco kaugnay ng Ordinance No. 001, Series of 2026 ng Barangay Salvacion na naglalayong magtatag ng Barangay Identification (ID) System para sa mga opisyal at personnel ng barangay.
Layunin ng ordinansa na magkaroon ng identification system para sa mga opisyal at personnel ng Barangay Salvacion bilang bahagi ng kanilang official functions at pagkakakilanlan sa serbisyo.
Patuloy na sinusuri at tinatalakay ng City SP ang mga panukalang barangay ordinance bago ito isalang sa mga susunod na proseso ng lehislatura.
#SangguniangPanlungsod #BarangaySalvacion #CommitteeHearing #TabacoCity
Sangguniang Panlungsod of Tabaco
October 07, 2026


