Public Advisory – Emergency Repair
Paunawa sa Lahat ng Konsumidores
Magandang araw po!
Nagkaroon po ng emergency leak / pagka-disconnect ng
ating transmission line sa Brgy. Mariroc kagabi, October 6, 2026.
Dahil dito, ang mga sumusunod na barangay ay makakaranas ng napakahinang pressure hanggang sa pansamantalang pagkawala ng tubig:
Brgy. Bognabong
P6 Baranghawon
P6 Panal
Jamaica Mansions Subd.
Sports Complex Subd.
Brgy. Guinobat
Moran Estate Subd.
Part of Matagbac
Brgy. Mariroc
Brgy. Pinagbobong
Iba pang elevated/ mataas na lugar na barangay
Ang ating Engineering Team ay kasalukuyan nang nagsasagawa ng repair works sa nasabing lugar.
Inaasahan po na matatapos and repair mamayang alas – 7 ng gabi (7:00PM) Today, October 7, 2026. Agad ding ibabalik ang water supply pagkatapos ng repair.
Kami po sa TAWAD ay humihingi ng malaking pang-unawa at paumanhin sa abala na dulot nito.
Hindi po namin ginusto ang pangyayari at ginagawa po namin ang lahat upang maibalik agad ang tubig.
Pinapayuhan po ang lahat na mag-ipon ng
tubig kung mayroon pa pong lumalabas sa gripo.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.


