Pinarangalan ang City Government of Tabaco bilang Outstanding Local Government Unit for YAKAP Implementation during the 2026 APPLAUSE (Appreciation and Pasasalamat for Partners for Lasting Alliance, Unwavering Support and Excellence) Awards of PhilHealth Regional Office V, ngayong November 4, 2026, sa La Piazza Hotel, Legazpi City.
Kinikilala ng parangal ang mahusay na pagpapatupad ng lungsod sa PhilHealth YAKAP Program, kabilang ang beneficiary registration, First Patient Encounter (FPE) service delivery, physician and facility accreditation, at paggamit ng Electronic Medical Records (eMR).
Congratulations sa City Health Office, sa pangunguna ni Dr. Liezel Cuales-Duncan, OIC-City Health Officer, at sa buong CHO team na patuloy na nagsisikap na mapalawak ang access ng mga Tabaqueño sa de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.
Ipinapaabot din ng LGU Tabaco ang aming pasasalamat sa PhilHealth Regional Office V sa pagkilalang ito at sa patuloy na pakikipagtulungan sa ating lungsod para sa mas maayos na serbisyong pangkalusugan.
La Piazza Convention Center, Legazpi City
November 4, 2026


