Kinilala ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Regional Office V ang City Government of Tabaco bilang Outstanding Local Government Unit for YAKAP Implementation.
Ang pagkilalang ito ay bilang pagkilala sa mahusay na pagpapatupad ng PhilHealth YAKAP Program, partikular sa beneficiary registration, First Patient Encounter (FPE) service delivery, physician and facility accreditation, at paggamit ng Electronic Medical Records (eMR).
Congratulations sa ating City Health Office (CHO), sa pangunguna ni Dr. Liezel Cuales-Duncan, OIC-City Health Officer, kasama ang buong CHO team at lahat ng katuwang sa pagsusulong ng mas maayos at accessible na serbisyong pangkalusugan para sa mga Tabaqueño.
Patuloy ang ating pagsisikap na mailapit ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa bawat Tabaqueño!


