← Back to Home

𝗧𝗔𝗕𝗔𝗖𝗢 𝗦𝗔𝗟𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗨𝗦𝗧𝗥𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗨𝗡𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗜𝗦𝗟𝗔𝗡𝗗!

Mahigit 1,000 kilo ng asin na ang naitalang estimated production ng Bacolod Fisherfolks Association of Tabaco City (BFATC) sa Natunawan Island, kung saan nagsimula ang kanilang salt production dalawang taon na ang nakalilipas.

Sa kasalukuyan, mayroon silang 16 production beds. Bawat bed ay gumagamit ng 192 liters ng seawater at kayang makagawa ng tinatayang 35 kilos ng asin. Umaabot naman sa 20 days ang production process tuwing summer, mula sa seawater pumping hanggang sa finished product.

Sa halagang ₱20 kada kilo, patuloy na nagsisilbing livelihood opportunity ang salt production para sa mga miyembro ng asosasyon.

Isa itong halimbawa ng paggamit sa local resources ng komunidad upang makabuo ng produktong maaaring pagkakitaan at makatulong sa kabuhayan ng mga mangingisda.

#TabacoCity #NatunawanIsland #LocalLivelihood #SaltProduction #BFATC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *