Bagong livelihood opportunities ang hatid ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region V sa mga fisherfolk ng Tabaco City sa pamamagitan ng ceremonial stocking and turnover ng mga livelihood projects ngayong November 24, 2026.
Tatlong units ng High-Density Polyethylene (HDPE) marine fish cages ang ipinagkaloob sa Fatima Fisherfolks Corporation sa Barangay Fatima, habang isang seaweed floating dryer naman ang ipinagkaloob sa Samahang Maliit na Mangingisda ng Cagbulacao sa San Miguel Island.
Layunin ng mga proyektong ito na mapalakas ang local fisheries livelihood, mapataas ang productivity, at magkaroon ng mas sustainable na pagkakakitaan ang ating mga mangingisda.
November 24, 2026


