Bukas sa lahat ng interesadong indibidwal ang National Skills Registration Program (NSRP) ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Google Forms QR Code na inilaan ng LGU TabacoโPublic Employment Service Office (PESO).
๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ก๐ฆ๐ฅ๐ฃ?
Ito ay isang programa ng DOLE na naglalayong magkaroon ng talaan ng mga manggagawa at job seekers, kasama ang kanilang mga kasanayan, edukasyon, kwalipikasyon, at karanasan sa trabaho.
๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ต๐ถ๐๐๐ฟ๐ผ?
Sa pamamagitan ng registration, mas makikilala ang inyong mga kakayahan at kwalipikasyon. Makakatulong ang impormasyong ito upang maitugma ang inyong skills at work background sa mga available na oportunidad sa trabaho at pangangailangan ng mga employer.
๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ต๐ถ๐๐๐ฟ๐ผ?
– Maidaragdag ang inyong impormasyon sa NSRP database.
– Magagamit ang inyong profile sa skills matching at employment facilitation.
– Maaari kayong matukoy para sa mga angkop na job opportunities at employment-related services.
๐ง๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฎ๐ป: Ang pagpaparehistro ay hindi garantiya ng agarang trabaho. Layunin nitong makatulong na maitugma ang inyong mga kasanayan at kwalipikasyon sa mga oportunidad na naaayon sa inyong kakayahan.
๐ฃ๐๐๐ก๐ข ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐ข?
I-scan ang QR Code, buksan ang Google Forms registration, at kumpletuhin ang mga kinakailangang impormasyon.
Libre ang pagpaparehistro at bukas sa lahat!


