Isinasagawa ngayong November 4–5, 2026, ng City Health Office (CHO) ang Rollout of PuroKalusugan para sa mga Barangay Health Workers (BHWs) sa Vista Garden, Tabaco City.
Layunin ng aktibidad na ipakilala at palakasin ang pagpapatupad ng PuroKalusugan sa mga barangay sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman at gabay sa ating mga BHWs, na mahalagang katuwang sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa bawat komunidad.
Sa pamamagitan ng mas pinalakas na kaalaman at kakayahan ng ating mga Barangay Health Workers, inaasahang mas mapapalapit sa mga pamilya at komunidad ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan.
Patuloy ang City Government of Tabaco, sa pamamagitan ng CHO, sa pagsusulong ng mas maayos at accessible na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Tabaqueño.
Vista Garden, Tabaco City
November 4,-5, 2026


