Tinalakay sa Sangguniang Panlungsod Committee Hearing ang aplikasyon ng City Agriculture Office para sa pagkakaloob ng grain dryer sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Ang programa ay pinangangasiwaan ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) at naglalayong mapalakas ang kakayahan ng mga magsasaka sa pagproseso at pag-iimbak ng kanilang ani.
Mahalagang hakbang ito upang masuportahan ang ating mga lokal na magsasaka at mapabuti ang kalidad ng kanilang produktong palay.
Patuloy ang koordinasyon ng City Government of Tabaco sa mga kaukulang ahensya para maisulong ang mga programang makatutulong sa sektor ng agrikultura.
Sangguniang Panlungsod of Tabaco City
November 16, 2026


