Bumisita kay Mayor Reynaldo B. Bragais ang grupo ng mga retiradong Barangay Tanod para sa isang courtesy call sa Conference Room ng City Hall, kasunod ng kanilang FRC.
Nagkaroon ng pagkakataon ang grupo na makadaupang-palad ang alkalde at makipagkumustahan tungkol sa kanilang naging serbisyo sa kani-kanilang komunidad.
Kinikilala ng City Government of Tabaco ang mahalagang papel ng mga Barangay Tanod sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa mga barangay.
Ang kanilang mga naging karanasan at kontribusyon sa paglilingkod sa publiko ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatiling ligtas at maayos ang ating mga pamayanan.


