← Back to Home

𝗖𝗔𝗣𝗔𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗗𝗘𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗙𝗢𝗥 𝗖𝗡𝗖 𝗔𝗡𝗗 𝗕𝗡𝗖

Nagsagawa ang City Health Office at City Nutrition Office ng Capacity Development para sa mga miyembro ng City Nutrition Committee (CNC) at Barangay Nutrition Committees (BNC) sa Royal Mansion Hotel.

Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman at mapahusay ang kakayahan ng mga kalahok sa pagpaplano, pagpapatupad, at pagsubaybay sa mga programang pangnutrisyon.

Mahalaga ang aktibong partisipasyon ng mga nutrition committee sa lungsod at barangay upang mas maayos na matugunan ang mga usaping may kinalaman sa kalusugan at nutrisyon ng ating mga residente.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay, mas napapalakas ang koordinasyon at paghahatid ng mga serbisyong pangnutrisyon sa bawat komunidad.

📍 Royal Mansion Hotel, Tabaco City

🗓️ November 16, 2026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *