← Back to Home

𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧: 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗩𝗔𝗖𝗨𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗕𝗔𝗖𝗢, 𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗥𝗜 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗢𝗖𝗗 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝗩

Nagsagawa ng courtesy call sa tanggapan ni Mayor Reynaldo B. Bragais ang mga kinatawan ng Office of Civil Defense (OCD) Region V kaugnay ng kahilingan ng alkalde para sa pagtatayo ng bagong evacuation center sa Lungsod ng Tabaco.

Kasunod ng kahilingan ng alkalde, nagtungo ang OCD Region V upang inspeksiyunin ang lupang iminungkahi ng Pamahalaang Lungsod bilang pagtatayuan ng pasilidad, sakaling maaprubahan ang proyekto.

Layunin ng inisyatibang ito na magkaroon ang Tabaco ng mas maayos at angkop na pasilidad para sa mga pamilyang kailangang lumikas sa panahon ng mga kalamidad. Isang mahalagang hakbang ang pagsusuring ito sa proseso ng pagbuo ng planong evacuation center.

📍 2nd Floor Conference Hall, Tabaco City Hall

🗓️ November 16, 2026

#TabacoCity #DisasterPreparedness #OCDRegionV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *