May bagong oportunidad para sa 86 members ng Fatima Fisherfolks Farmers Agriculture Cooperative (FAFFACO) sa Barangay Fatima, Tabaco City!
Sa tulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region V, nakatanggap ang kooperatiba ng tatlong units ng marine fish cages na may kabuuang 30,000 fingerlings o 10,000 fingerlings bawat cage.
Inaasahang magsisilbing dagdag na livelihood opportunity ang proyekto para sa mga miyembro ng kooperatiba sa pamamagitan ng fish cage culture at aquaculture.


