← Back to Home

MAS PINATIBAY NA EARLY WARNING SYSTEM PARA SA TABACO CITY!

Tatlo pang emergency sirens ang na-install sa mga piling coastal barangays ng Tabaco City, kaya umabot na sa 10 ang kabuuang installed emergency sirens sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Sa pangunguna ng ating CDRRMO, patuloy na pinapalakas ng Pamahalaang Lungsod ang Early Warning System upang mas maagap na maabisuhan ang mga residente, lalo na ang mga komunidad na posibleng maapektuhan ng mga kalamidad.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Reynaldo B. Bragais, patuloy nating pinauunlad ang mga kagamitan at sistema para sa mas handa, alerto, at ligtas na Tabaco City.

Sa panahon ng sakuna, bawat segundo ay mahalaga. Ang maagap na babala ay maaaring makapagligtas ng buhay.

#TabacoCity #DisasterPreparedness #EarlyWarningSystem

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *