Isinagawa ng City Government of Tabaco, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), katuwang ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) City Operations Office of Tabaco, ang Buruligan 2026: Convergence Forum and Conference on Engaging Children and Youth in Education Strategies for Sustaining Interest of Students in School and Reintegrating Out-of-School Children and Youth.
Ginanap ang aktibidad noong November 3, 2026, sa The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, Zone 7, Panal, Tabaco City. Layunin nitong palakasin ang pagtutulungan ng mga katuwang na ahensya at sektor sa pagpapanatili ng interes ng mga kabataan sa pag-aaral at paghikayat sa mga out-of-school children and youth na muling bumalik sa paaralan.
Patuloy ang pagsusulong ng City Government of Tabaco ng mga programang nagbibigay ng suporta at oportunidad sa bawat batang Tabaqueño upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan sa pamamagitan ng edukasyon.
The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, Tabaco City
November 3, 2026


