Inilunsad ng City Government of Tabaco ang SIGLA (Solid Waste Integration, Governance, and Local Action) bilang flagship program ng lungsod sa ilalim ng Open Government Partnership (OGP) noong October 27, 2026, sa City Plaza.
Sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), layunin ng SIGLA na palakasin at pag-isahin ang pagpapatupad ng Solid Waste Management Program ng lungsod sa pamamagitan ng mas maayos na koordinasyon, malinaw na pananagutan, at aktibong pakikilahok ng mga barangay, civil society organizations, at mga mamamayan.
Tinututukan ng programa ang pagpapabuti ng waste segregation, waste collection, recycling, at community participation. Bahagi rin nito ang pagbuo ng konkretong action plan na may malinaw na responsibilidad, takdang panahon, at mga target na maaaring subaybayan.
Sa pamamagitan ng SIGLA, isinusulong ng Tabaco City ang isang mas organisado, transparent, at participatory na sistema ng solid waste management, tungo sa mas malinis at mas maayos na komunidad.
San Lorenzo Cover Court, Tabaco City
October 29, 2026
#TabacoCity #SIGLAProgram #OpenGovernmentPartnership #SolidWasteManagement


